Walang impormasyon ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa ulat na pag-aresto kay dating PNP Chief at ngayo’y Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño wala silang ulat kaugnay sa umano’y napipintong pag-aresto sa dating Police General.
May lumabas kasi na ulat na ngayong araw aarestuhin si Bato ng mga pulis matapos matukoy ang kaniyang pinagtataguan.
Ang arrest warrant ay may kaugnayan umano ng pagi¬ging hepe ni Dela Rosa ng Philippine National Police (PNP) nang ipatupad nito ang war on drugs campaign sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nahaharap ngayon sa kasong crimes against humanity sa ICC.
Pinabulaanan naman ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang ulat na aarestuhin na si Dela Rosa.
















