-- Advertisements --

Kinuwestyon ng biyudang maybahay ni yumaong dating Philippine National Police (PNP) Chief Camilo Cascolan ang pagkakasama ng pangalan ng kaniyang mister bilang isa sa co-perpetrators ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).

Sa isang post online, ibinahagi ni Amelia Cascolan ang isang larawan na may mga imahe ng umano’y co-perpetrators ng dating pangulo.

Aniya, kung nabubuhay lamang umano ang dating hepe ng pambansang pulisya ay magbibigay ito ng “passionate lecture” hinggil sa oplan tokhang, double barrel at high value target.

Matatandaan, base sa inilabas na Document Containing the Charges ng ICC mula sa Office of the Prosecutor, kabilang sa pinangalanan si Cascolan bilang umano’y isa sa kasabwat ng dating Pangulo.

Maaalalang nagsilbi si Cascolan bilang finance chief ng Davao Region Police Office mula 2011 hanggang 2012, at nagsilbing hepe ng PNP mula Setyembre 2 hanggang Nov. 10 2020 sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Pumanaw si Cascolan noong Nobiyembre 2023, sa edad na 59 dahil sa “lingering illness.”