-- Advertisements --

Binabantayan ngayon ng Pagasa ang isang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong mahigit 100 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao.

Sinabi pa ni Benison Estareja ng Pagasa na maliit ang tyansa nitong maging bagong bagyo, dahil malapit na sa lupa.

Pero inaasahang maghahatid pa rin ito ng ulan hanggang sa mga susunod na araw.