-- Advertisements --

Lalo pang lumawak ang apektado ng low pressure area (LPA) sa silangan ng Visayas.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 285 km sa silangan timog silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Nakapaloob pa rin ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) o ang nagsasalubong na hanging may dalang makapal na ulap.

Sakop ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Habang hanging habagat naman ang nararanasan sa Luzon, kung saan may mga pag-ulan tuwing hapon at gabi.