-- Advertisements --
Patuloy na binabantayan ng Pagasa ang isang low pressure area (LPA) na namataan sa layong 965 km sa silangan ng Southern Luzon.
Ayon kay Pagasa forecaster Shiella Reyes, maliit pa ang tyansa nitong maging bagyo, ngunit hindi inaalis ang posibilidad na ito ay lumakas.
Maliban dito, umiiral din ang intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao.
Habang ang ibang parte ng bansa ay mananatiling mainit ang panahon, kasama na ang Metro Manila at mga karatig na lugar.