-- Advertisements --

Ipinagpaliban ng American singer na si Stevie Nicks ang pagpapaliban ng kaniyang mga konsiyerto.

Sa social media account nito ay ibinahagi nito na nagkaroon ng fracture ang kaniyang balikat.

Dahil dito ay nagpasya itong ipagpaliban ang mga show niya sa buwan ng Agosto hanggang Setyembre.

Paliwanag nito na ang show niya sa Oktubre ay hindi apektado kung saan kailangan lamang niya ng magpagaling ng ilang buwan.

Lahat aniya ng mga apektadong tickets ay kanila pa ring kikilalanin kapag mayroon ng bagong schedule ng show.

Nakilala ang singer bilang miyembro ng bandang Fleetwood Mac kung saan ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “Dreams”, “Everywhere” at maraming iba pa.