-- Advertisements --

Umabot na sa higit isang libo ang naitalang mga kaso ng sakit na ‘leptospirosis’ sa lungsod ng Maynila ngayong Setyembre, kasabay ng mga pag-ulan nararanasan. 

Batay sa datos ng Manila Health Department simula unang araw ng taon hanggang kahapon, pumalo na ito sa 1,051 ang ‘leptospirosis cases’ sa lungsod. 

Dahil sa pagdami ng mga kaso ng sakit, hinimok ni Manila Mayor Isko Moreno ang publiko na wag’ mag-atubiling kumuha ng gamot na ‘doxycycline’. 

Libre aniya itong ipinamamahagi sa mga ospital at health centers sa lungsod, mapa-estudyante, residente ng Maynila, at miski hindi ay maaaring makakuha. 

Alinsunod dito’y paalala ng alkalde na patuloy na mag-ingat lalo pa’t ang ilang parte ng lungsod ay kadalasan nang nakararanas ng pagbaha. 

Gayunpaman umaasa siyang matutugunan at maiaayos na ng ‘national government’ ang mga proyektong flood control hindi lamang sa lungsod kundo maging sa buong bansa. 

Nitong Lunes, tuluyan nang itinuturing bilang epidemya ang leptospirosis sa Maynila kung saan umabot na sa ‘full capacity’ ang ilang ospital ng lungsod. 

Kung kaya’t pinakiusapan ang publiko na huwag nang hinatayin pang lumala ang sakit, at agad magpakonsulta lalo na kung may nararamdamang sintomas.