-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Budget and Management (DBM) sa mga posibleng pagkaantala ng pagpapatupad ng mga programa, aktibidad at mga proyekto sakaling may mga pagbabago sa mga panukalang pondo para sa 2026.

Ito ay matapos na sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikaapat na ulat sa bayan na kaniyang ive-veto ang 2026 proposed budget sakaling hindi ito akma sa plano ng gobyerno at sambayanang Pilipino kahit magresulta pa ito sa reenacted budget.

Sa post-SONA conference ng key government officials sa San Juan City ngayong araw, Hulyo 29, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na seryoso si Pangulong Marcos sa pagtiyak na dapat wala ng malaking mga pagbabago sa panukalang pondo o National Expenditure Program (NEP), na kilala bilang pondo ng Pangulo.

Paliwanag ng kalihim na pinag-isipang maigi ng Pangulo kung paano babalangkasin ang naturang pondo, kung saan inabot aniya ang punong ehekutibo kasama ang kaniyang mga gabinete ng anim na buwan sa pagbalangkas ng panukalang pondo para sa susunod na taon.

Babala pa ni Sec. Pangandaman na anumang pagbabago sa 2026 national budget na ipinanukala ng Pangulo ay magpapabagal sa implementasyon ng mga proyekto ng gobyerno, at maaaring maging mahirap para sa mga ahensiya ng gobyerno para ipatupad ang bagong mga programa na isisingit ng mga mambabatas sa mga deliberasyon ng pondo sa Kongreso.