-- Advertisements --

Kumasa si Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman sa imbitasyon ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na dumalo sa special meeting sa Martes, Oktubre 14.

Ayon sa kalihim, handa siyang tumulong sa independent body para mabunyag ang katotohanan sa likod ng sistematikong korapsiyon sa flood control projects sa maraming probinsiya lalo na sa Luzon.

Nangako din ang kalihim na tutulong matapos na isiwalat ni DPWH Sec. Vince Dizon ngayong araw na 421 mula sa 8,000 na ininspeksiyon na flood control projects sa bansa, karamihan ay nasa Luzon, na ghost project pala o hindi nagi-exist.

Samantala, isa din sa pokus ng pulong ay ang paglalabas ng unprogrammed funds partikular na ang mga may kaugayan sa flood control at infrastructure projects.