-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na nananatiling matatag ang ekonomiya ng Pilipinas.

Sa kaniyang speech sa Philippine Economic Briefing sa Cagayan de Oro ngayong araw ng Lunes, Oktubre 20, iniulat ng kalihim na lumago pa sa 5.5% amg gross domestic product (GDP) ng bansa sa ikalawang kwarter ng 2025.

Kabilang sa nakapag-ambag ng paglago ng ekonomiya ng bansa ang mas manageable na inflation rate noong nakalipas na buwan ng Setyembre na nasa 1.7% at masiglang employment rate na nasa 96.1%.

Tinukoy naman ng opisyal ang Northern Mindanao o Region 10 bilang isang mahalagang instrumento sa kwento ng paglago ng ating bansa. Ito ay sa kadahilanang ang rehiyon ang itinuturing na “food basket” ng ating bansa na nagpro-produce ng malaking bahagi ng agricultural commodities tulad ng mais, niyog at saging at rising center para sa agri-industrial development.

Samantala, tiniyak din ng DBM chief ang pagpapatupad ng reform agenda sa budget priorities sa pamamagitan ng new Government Procurement Act na itinuturing bilang “biggest anti-corruption measure” sa recent history ng Pilipinas, na layuning isulong ang transparency at labanan ang korapsiyon sa gobyerno.

Layunin din ng naturang batas na gawing digitalize at mapabilis ang procurement process.