-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Sinuspende na ng probinsyal na pamahalaan ng Dinagat Islands ang lahat ng biyahe sa karagatan pati na ang klase malapit sa baybayin dahil sa banta ng tsunami waves na resulta ng magnitude 8.7 na linog na yumanig sa Kamchatka Region sa Russia kaninang alas-7:24 ng umaga, oras sa Pilipinas.

Ito’y matapos magpalabas ng advisory ang Department of Interior and Local Government o DILG para sa lahat ng mga concerned local chief executives sa Regions II, III, IV-A, V, VIII, IX, at Caraga Region upang magsagawa ng pre-emptive evacuation at magpatupad ng precautionary measures dahil sa inaasahang minor sea-level disturbance na hatid nga malakas na lindol.

Kaagad na pinalikas ang mga residenteng malapit sa baybayin patungo sa higher grounds at inaktibo na rin ang alert status sa lahat ng barangay sa nasabing probinsya.