-- Advertisements --
Dumpensa ang Department of Tourism (DOT) sa puna ng mga mambabatas kaya hindi nabanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang epekto ng turismo sa kaniyang State of the Nation Address (SONA).
Sinabi ni Tourism Secretary Cristina Frasco, kulang lamang sa pondo ang ahensiya at hindi sila kulang sa pagtatrabaho.
Giit pa ng kalihim na may mga programa sila para tuluyang mapalago ang turismo sa bansa.
Dagdag pa nito na kapag sasabihin na hindi nagtatrabaho ang kanilang ahensiya ay parang pinupuna ang mahigit anim na milyong mga tourism workers sa bansa.
Magugunitang binatikos ni Tingog Party-List Rep. Jude Acidre ang DOT matapos na hindi maisama ang sektor ng turismo sa SONA ni Marcos.