-- Advertisements --
Asahan na umanong lalakas bilang bagong bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng ating bansa.
Ayon sa Pagasa, maaaring mag-develop ito bilang bagong sama ng panahon at tatawaging bagyong Paeng.
Namataan ang sentro nito sa layong 815 km sa silangan ng Eastern Visayas.
Ngayong araw naman nakapagtala ng thunderstorm sa ilang bahagi ng ating bansa, kasama na ang Metro Manila.
Habang shear line naman ang nakaapekto sa Central Luzon.