-- Advertisements --
Nagbabala si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Vietnam laban sa pagkontra sa World Trade Organization (WTO) sa 60-day rice import ban ng Pilipinas, na planong isulong ng Vietnam Food Association.
Iginiit ng kalihim sa pagdinig sa Kamara na mas matimbang ang national interest ayon sa WTO Rules.
Ito aniya ang dahilan kung kaya hindi dapat tutulan ng Vietnam ang importation ban ng Pilipinas.
Aniya, ang suspensyon, na magsisimula sa Setyembre 1, ay upang patatagin ang presyo ng lokal na palay at protektahan ang mga magsasaka mula sa lugi dahil sa murang imported na bigas.
Dagdag pa niya, handa ang Pilipinas na huwag nang umangkat ng bigas sa Vietnam kung ipipilit nila ang pagkontra.