Matagumpay na naiuwi ng tubong Pangasinan na si Jeriemi Esteves ang korona ng Mister Pancontinental 2026 na ginanap sa Vietnam mula Enero 28 hanggang Pebrero 3 ng kasalukuyang taon.
Ito ang kauna-unahang international pageant na sinalihan ng kasalukuyang Mister Pancontinental International Philippines, kung saan buong tapang niyang kinatawan ang Pilipinas at itinanghal bilang kampeon sa prestihiyosong patimpalak.
Sa panayam ng Star FM-Dagupan, ibinahagi ni Esteves na malaking bahagi ng kanyang tagumpay ang walang sawang suporta ng mga taong nasa likod ng kanyang laban.
Sa kasalukuyan, puspusan namang naghahanda si Esteves para sa kanyang board exam bilang isang social worker.
Aniya, ito ay magsisilbing mahalagang hakbang upang higit pang maisakatuparan at mapalawak ang kanyang adbokasiya sa social work bilang Mister Pancontinental 2026.














