-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga kontratista ng DPWH na iniuulat na may mga anomalya.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, sinusubaybayan nila ang mga imbestigasyon ng Senado at Kongreso hinggil sa mga umano’y ghost projects.
Sinusuri rin nila ang mga dokumento ng mga kontratista upang matiyak ang kanilang tax compliance.
Nilinaw ng BIR na ang ghost project ay mga proyektong hindi naipatupad at walang aktuwal na gastos.
Dahil dito, walang dapat ideklara o i-disallow na expenses kung walang ginastos.
Titiyakin ng ahensya na wasto ang pagbabayad ng buwis ng lahat ng sangkot na kontratista.