-- Advertisements --

Aminado ang Inter-Agency Council Against Trafficking na hindi anila kayang mabantayan ang lahat ng ilegal na ‘backdoor exits’ sa bansa.

Ayon kay Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano ng Department of Justice, hirap ang pamahalaan na ito’y mabantayan maiigi lalo pa’t aniya’y ang Pilipinas ay ‘arkipelago’ o kapuluan ang geograpiya.

Ani pa niya’y imposibleng makapagtalaga sila ng mga tauhan mula sa Bureau of Immigration o mga istasyon nito sa lahat ng mga lokasyon na maaring tahakin ng ilang indibidwal makalabas lamang ng bansa.

Kanya itong inihayag sa isinagawang pulong balitaan ng Inter-Agency Council Against Trafficking kasunod ng matanong kung bakit hindi pa rin ito nasosolusyon kahit pa hindi na bago ang naturang isyu.

“Alam naman po natin na archipelago po yung geography ng ating bansa at napakahirap po talagang bantayan lahat yan,” ano Assistant Secretary Mico Clavano ng Department of Justice.

“So imposible po na maglalagay po tayo ng Bureau of Immigration station or immigration officers sa bawat area na pwedeng lumabas sa bansa,” dagdag pa ni Spokesperson Mico Clavano ng DOJ.

Kaya’t dito niya binigyang diin ang kahalagahan sa pagkakaroon at pagbuo ng naturang Inter-agency council laban sa ‘trafficking’ na biktima ay mga Pilipino nais magtrabaho abroad.

Habang maisa pang ulit niyang sinabi na aminado silang hindi biro mabantayan ang isyu ng ‘illegal corridor migration’ sa bansa.

Samantala, isinusulong naman ni Bureau of Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang modernisasyon sa mga pasilidad ng kawanihan.

Importante aniya pati ang integrasyon ng ‘Artificial Intelligence’ at dagdag mga tauhan para sa kanilang ‘border security measures’ ng Bureau of Immigration.

“Ang pinakaimportante po is magkaroon po ng possible yung mga Artificial Intelligence. So we’re trying to upgrade our the facilities and we’re also trying to upgrade yun pong aming border security measures,” ani Commissioner Joel Anthony Viado ng Bureau of Immigration.

Sa kabila nito, sa pangunguna ng Department of Justice, tiniyak ni Justice Spokesperson Clavano na magtutulungan ang iba’t ibang mga ahensiya upang masegurong mabantayan ang mga lumalabas ng bansa gamit ang ilegal na ‘backdoor exits’.