DND Sec Delfin Lorenzana
DND Sec. Delfin Lorenzana/ FB post

Hindi muna nagbigay ng reaksiyon si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na kakanselahin ang Visiting Forces Agreement (VFA) matapos na tanggalan ng visa si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Sinabi ng kalihim na masyadong maaga pa bago magbigay ng reaksyon sa naging banta ng pangulo.

Pag-aaralan pa aniya nito ang magiging impact nito sa termination ng VFA.

Ang VFA ay isang kasunduan ng pagpayag n Pilipinas na bumisita sa bansa ng mga sundalo ng Amerika.

Nauna rito nagbanta ang pangulo na kakanselahin ang VFA at binigyan nito ng isang buwan ang US para maibalik ang visa ng senator.