-- Advertisements --

Tiniyak ng gobyerno ng Pilipinas ang kanilang buong suporta sa Peacekeeping Missions ng United Nations.

Bilang bahagi ng suporta ay plano ng pamahalaan na magpadala mismo ng mga Pilipinong kinatawan para makibahagi dito.

Ito ang binigyang diin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na kumakatawan ngayon sa Pilipinas sa isinasagawang UN Peacekeeping Ministerial meet sa Berlin, Germany na dinaluhan ng iba pang mga bansa.

Ayon sa kalihim, ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa naging talumpati ng kalihim sa naturang pagpupulong ay binigyang diin nito na magpapadala ang Pilipinas ng mga makikibahagi sa misyon ng UN sa mga susunod na taon.

Kabilang na dito ang isang light infantry battalion at isang Police unit .