-- Advertisements --

Hindi itinanggi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na ito ay naging emosyonal sa ilang mga katanungan ng mga Chinese delegates sa dinaluhan nitong 2025 Shangri-la Dialogue na ginanap sa Singapore.

Sinabi ng kalihim na bahagya itong nainis ukol sa usapin ng West Philippine Sea kung saan iginiit ng mga delegado ng China na ito ay kanilang pag-aari.

Dagdag pa nito na maaring ngayon lamang nanindigan ang Pilipinas kaya tila may pagkabigla ito sa panig ng China.

Dahi sa nasabing pahayag aniya ng kalihim ay nakakkuha ito ng simpatiya mula sa iba’t-ibang bansa na ikinagalit naman ng China.