-- Advertisements --


CENTRAL MINDANAO – Nagpatupad ng focus containment ang lokal na pamahalaan ng Carmen Cotabato at Inter-Agency Task Force (IATF) laban sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ito mismo ang kinumpirma ni Carmen Mayor Moises Arendain, dahil anya sa dahan-dahan na pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa nakakahawang sakit.

Nakasentro ang pagpapatupad ng focus containment sa mahigit 20 kabahayan sa bayan ng Carmen na may close contact sa mga nagpositibo sa COVID-19.

Dagdag ng alkalde, mayroon ng local transmission sa bayan ng Carmen.

Itoy may kaugnayan sa isa katao na nasawi sa C19 sa lungsod ng Carmen kung saan positibo rin na itoy may nahawaan sa kanyang pamilya at kasamahan sa trabaho kaya nagkaroon ng local transmission.

Agad nagpalabas si Mayor Arendain ng Executive Order #10 para matutukan ang contact tracing sa posibling mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID.

Ang lahat ng may sintomas sa nakakahawang sakit at mga nagpositibo sa Covid 19 ay nasa isolation facility ng bayan.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng LGU-Carmen at IATF ang kanilang pagpapatupad ng health protocols kontra sa virus.