Lumakas pa ang tropical cyclone na si “Tino” at pormal nang itinuturing na isang ganap na bagyo.
Ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa layong 285 kilometro silangan-timog-silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Pinakamalakas na hangin: 120 km/h malapit sa gitna
Pagbugso ng hangin: hanggang 150 km/h
Central pressure: 975 hPa
Bilis ng galaw: 25 km/h pa-kanluran timog-kanluran
Signal No. 3:
VISAYAS: Katimugang bahagi ng Eastern Samar, katimugang bahagi ng Samar, gitna at katimugang bahagi ng Leyte, Southern Leyte, Camotes Islands, silangang bahagi ng Bohol
MINDANAO: Dinagat Islands, hilagang bahagi ng Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands
Signal No. 2:
LUZON: Katimugang bahagi ng Masbate
VISAYAS: Gitnang bahagi ng Eastern Samar, gitnang bahagi ng Samar, natitirang bahagi ng Leyte, Biliran, natitirang bahagi ng Bohol, natitirang bahagi ng Cebu, hilaga at gitnang bahagi ng Negros Oriental, hilaga at gitnang bahagi ng Negros Occidental, Guimaras, silangang bahagi ng Capiz, hilaga at silangang bahagi ng Iloilo
MINDANAO: Natitirang bahagi ng Surigao del Norte, hilagang bahagi ng Surigao del Sur, hilagang-silangang bahagi ng Agusan del Norte, hilagang bahagi ng Camiguin
Signal No. 1:
LUZON: Albay, Sorsogon, natitirang bahagi ng Masbate, katimugang bahagi ng Quezon, katimugang bahagi ng Marinduque, Romblon, gitna at katimugang bahagi ng Oriental Mindoro, gitna at katimugang bahagi ng Occidental Mindoro, hilagang bahagi ng Palawan kasama ang Calamian Islands, Cuyo Islands, at Cagayancillo Islands
VISAYAS: Northern Samar, natitirang bahagi ng Eastern Samar, natitirang bahagi ng Samar, Siquijor, natitirang bahagi ng Negros Oriental, natitirang bahagi ng Negros Occidental, natitirang bahagi ng Iloilo, natitirang bahagi ng Capiz, Aklan, Antique
MINDANAO: Natitirang bahagi ng Surigao del Sur, hilaga at gitnang bahagi ng Agusan del Sur, natitirang bahagi ng Agusan del Norte, natitirang bahagi ng Camiguin, Misamis Oriental, hilagang bahagi ng Bukidnon, hilagang bahagi ng Misamis Occidental, hilagang bahagi ng Zamboanga del Norte















