-- Advertisements --
Pinaigting ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagkukumpuni sa mga linya ng kuryente na nasira ng bagyong Tino.
Ayon sa ulat ng NGCP, naibalik na ang kuryente sa apat na transmission line: Nabas-Sapian 69kV Line, Nabas-Culasi-Bugasong 69kV Line, Amlan-San Carlos 69kV Line, at Bislig-Pob Barobo 69kV Line.
Bahagya namang naibalik ang operasyon ng Ormoc-San Isidro 69kV line at Ormoc-Baybay 69kV line.
Patuloy pa rin ang pagkukumpuni sa Maasin-Baybay 69kV Line, Bacolod-San Enrique 69kV Line, Nabas-Unidos 69kV Line, Calongcalong-Asturias 69kV Line, at Compostela-Consolacion 69kV Line.
Dagdag pa rito, may anim na 138kV at isang 230kV na linya ang hindi pa rin gumagana sa ngayon.
















