Reading Time: 1 minute
Liwayway
TS Liwayway

Bahagyang lumakas ang Tropical Storm Liwayway habang binabagtas ang north northwest ng Philippine Sea.

Ayon sa PAGASA, huling nakita ang sentro ng bagyo sa may 300 kilometers northeast ng Casiguran, Aurora o 285 kilometers ng eastern Aparri.

May taglay ito ng hangin ng 75 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 9 kph.

Nakataas ang storm signal number 1 sa Batanes.
Hindi ito inaasahang maglalandfall at ito ay posibleng makakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ng Miyerkules.

Magdudulot namang pag-ulan ang habagat sa bahagi ng Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas.