Suportado ng MalacaƱang ang hirit ni Blue Ribbon Committee chairman Sen. Richard Gordon na isalang sa lifestyle check ang mga pulis sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, magandang hakbang ito para mabusisi ang uri ng pamumuhay ng mga pulis.

Ayon kay Sec. Panelo, ang Internal Affairs Service ng Philippines National Police ang dapat na magsagawa ng lifestyle check sa mga pulis.

Una nang inihirit ni Sen. Gordon na isalang sa lifestyle check ang mga pulis matapos masangkot ang pangalan ni PNP Chief Oscar Albayalde sa mga umano’y “ninja cops.”