-- Advertisements --

Sinampahan na ng Department of Justice ng kasong kriminal sa korte sa Surigao laban sa mga miyembro ng Soccoro Bayanihan Service Inc.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Remulla na ang mga kasong isinampa ay kinabibilangan ng Qualified Trafficking in Persons, Facilitation of Child Marriage, Solemnization of Child Marriage at Child abuse laban kay Jey Rence Quilario alyas “Senior Agila” at 12 iba pa.

Sa kabuuan aniya ay mayroong 21 kaso ang inihain nila kung saan ayon pa sa kalihim na ito ay simula lamang dahil marami pang mga anggulo silang tinitignan.

Dagdag pa nito na lahat ng mga sinampahan ng kaso ay mula sa Sito Kapihan, Socorro, Surigao del Norte kabilang na si Senior Agila.

Paglilinaw pa ng kalihim na ang pagsampa ng kaso sa lokal na korte ay temporaryo lamang dahil sa nakatakdang ilipat ang prosecutiions sa Metro Manila o sa ibang mga lugar.