Umarangkada ngayong araw ng Miyerkules ang apat na araw na ‘Libreng Sakay’ ng pamahalaan bilang pagdiriwang sa darating na Labor Day sa Mayo 1.
Batay sa derektiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang ‘Libreng Sakay’ ay isa lamang sa hakbang ng pamahaalan bilang pagkilala sa lahat ng mga manggagawa sa buong bansa.
‘It is from April 30 to May 3. This is as a small recognition of the sacrifice and the contribution of our workers not only to our economy but also to our society. Happy Labor Day,’ ani Marcos.
Samantala personal ding binisita ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang LRT line 2 kung saan inispeksyon niya ang kasalukuyang lagay ng estasyon.
Ayon kay Dizon 3.5 million na mga pasahero ang makikinabang sa apat na araw na ‘Libreng Sakay’ sa mga estasyon ng MRT-3, LRT 1 at LRT 2 na nagsimula ngayong Miyerkules, Abril 30 na magtatapos naman sa Sabado, Mayo 3 ng taong kasalukuyan.
‘Passenger alone siguro 850,000 for the three lines every day so, times two thats almost 3.5 million passengers ang makakabenipisyo nito at sa hirap ng buhay ngayon na dinaranas ng mga commenters natin (at) mga manggagawa natin maliit na bagay ito,’ pahayag ni Dizon.
‘Hindi madaling manggagawa ngayon, hirap ng buhay ‘yung paco-commute hirap din, so sabi ng Pangulo natin dapat bigyan natin konting extra naman mga kababayan natin lalong-lalo na ang mga mangagawa natin. So this year 2025 tuloy-tuloy na every year apat na araw na libreng sakay sa LRT1 and LRT 2 at MRT 3 para sa lahat,’ dagdag pa ni Dizon.