-- Advertisements --

Iaalok ang libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Oktubre 26.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ang naturang libreng sakay ay maaaring ma-avail ng lahat ng mga mananakay sa mga istasyon ng MRT-3 sa naturang araw kasabay ng pagdiriwang ng Consumer Welfare Month.

Maaaring ma-avail ang libreng sakay sa mga piling oras mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Ipapatupad ang naturang inisyatiba sa pakikipagtulungan sa pamunuan ng MRT-3.