-- Advertisements --
Magbibigay ng libreng sakay ang transport group na Manibela sa mga lalahok ng malawakang kilos protesta sa Setyembre 21 sa Luneta Park sa Maynila at Edsa Shrine sa Quezon City.
Sinabi ni Manibela chairman Mar Valbuena na lahat ng kanilang miyembro sa Luzon ay makikibahagi sa nasabing rally.
Magugunitang iba’t-ibang mga civil society organization kasama na ang mga lider ng simbahan ang lalahok sa rally sa Linggo na tinawag na “Trillion Peso March” bilang protesta laban sa kurapsyon sa flood control projects.
Ang Setyembre 21 kasi ay siyang pang 53 anibersaryo ng pagdeklara ng martial law sa ilalim ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr, na pinatalsik sa pamamagitan ng 1986 People Power Revolution sa EDSA.