-- Advertisements --
Dumami pa lalo ang lumahok sa malawakang kilos protesta sa iba’t-ibang bahagi ng France.
Napilitang gumamit ang mga kapulisan ng tear gas para itaboy ang mga nagsasagawa ng kilos protesta.
Ipinaglalaban kasi ng mga protesters ang pagpapabaya ng gobyerno sa edukasyon.
Mayroong mahigit 2,000 na mga paaralan ang isinara dahil sa nasabing kilos protesta.
Base sa pagtaya ng mga otoridad na aabot sa kalahating milyon ang bilang ng mga lumahok sa nasabing kilos protesta.
Nanawagan ang gobyerno ng France ng mapayapang pag-uusap sa pagitan nila ng mga protesters.















