Mahigit 100,000 katao ang nagtipon sa Tel Aviv noong Sabado ng gabi (oras sa israel) upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa plano ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na palawakin ang operasyon sa Gaza.
Ang desisyon ay ipinalabas isang araw matapos ipahayag ng opisina ni Netanyahu na pumayag na ang security cabinet ng israel na sakupin ang Gaza City.
Marami ang nagpahayag ng takot na ang hakbang ay magdudulot ng karagdagang panganib sa mga hostages na hawak ng Hamas.
BOSES NG MASA UKOL SA MGA HOSTAGES
Ayon sa mga survey, malaking bahagi ng mga Israeli ang nagnanais na itigil na ang digmaan upang mailigtas ang mga natitirang hostages. Sa ngayon, tinatayang 20 hostages na lamang ang natitirang buhay base narin sa datos ng mga awtoridad.
Bukod dito humiling din ang mga ito ng agarang ceasefire at resolusyon para sa hostage crisis.
PANAWAGAN NG PAGWAWAKAS NG DIGMAAN
Mula nang magsimula ang digmaan noong Oktubre 7, 2023, mahigit 1,200 Israelis ang namatay at 251 dito ang dinukot ng Hamas. Kasalukuyang may higit na 400 Israeli soldiers din ang nasawi sa Gaza.
Kritikal naman ang mga pahayag mula sa mga European allies ng Israel hinggil sa plano ng gobyerno na sakupin ang Gaza City kung saan ang ilang kasamahan ni Netanyahu sa kanyang coalition ay nagsusulong ng ganap na pagsakop sa Gaza, ngunit ang military ay nagbabala na magdudulot ito ng mas malaking panganib sa mga hostages.
Sa isang interbyu, sinabi ni Netanyahu na ang militar ay may planong kontrolin ang buong Gaza ngunit hindi nila layuning kunin ang nasabing teritoryo.
PAGTAAS NG BILANG NG MGA NASAWI
Ayon sa Ministry of Health ng Gaza, umabot na sa higit 61,000 ang mga nasawi sa panig ng mga Palestinians, at may 39 pang nasawi sa huling 24-oras.
Sa kabila ng karagdagang mga namamatay, patuloy na nanawagan sa gobyerno ang mga international organizations na huminto na at sa halip simulan na lamang ang mapayapang negosasyon para sa pagtaas ng bilang ng mga naapektuhang sibilyan.