-- Advertisements --

Sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng militanteng Hamas at mga miyembro ng prominenteng angkan ng Dughmush sa Gaza City matapos mag-retreat ang Israeli Army.

Ito na ang itinuturing na pinaka-bayolenteng internal confrontation mula nang tapusin ng Israel ang mga operasyon nito sa naturang teritoryo na kumitil na ng 27 katao.

Sa naturang internal conflict, nakipag-palitan ng putok bg baril ang mga miyembro ng Hamas na nakatakip ang mga mukha sa kampo ng armadong kalaban malapit sa Jordanian hospital sa Gaza City.

Ayon naman sa senior official sa Interior Ministry na pinapatakbo ng Hamas, pinalibutan ng security units ang mga ito at nasangkot din sa palitan ng putukan para ikulong ang mga dawit sa labanan.

Sinabi ng ministry na walo sa kanilang security units ang napatay sa armadong pag-atake ng militia. Base naman sa medical sources, 19 na miyembro ng prominenteng angkan at walong Hamas fighters ang nasawi mula nang sumiklab ang labanan noong Sabado.

Una rito, matagal nang may hindi magandang relasyon ang Hamas at pamilya Dughmush, na isa sa pinaka-prominenteng angkan sa Gaza.

Kapwa nagbatuhan naman ng sisi ang dalawang magkabilang panig sa kung sino ang responsable sa pagsisimula ng gulo.

Ayon sa Hamas, pinatay umano ng gunmen ng Dughmush ang dalawa sa kanilang flighters at nasugatan ang limang iba pa dahilan kayat nagkasa sila ng operasyon laban sa naturang pamilya, subalit base sa source, tinangka ng Hamas na pwersahang paalisin ang pamilya sa Jordanian Hospital kung saan sila nanatili mula nang masira ng giyera ang kanilang tahanan, para gawing bagong kuta ng Hamas para sa kanilang pwersa.