-- Advertisements --

May kaniya-kaniyang diskarte ang ilang local government units sa Metro Manila para matulungan ang mga mag-aaral na sumabak na sa blended learning.

Karamihan sa mga dito ay nagdonate ng mga tablets at ibang mga gadgets na magagamit ng mga estudyante.

gaya sa lungsod ng Mandaluyong na mayroong tablet para sa mga mag-aaral mula Grade 4 hanggang Grade 12 habang laptop naman sa mga guro.

Isang “Tele-Aral Center” naman ang inilunsad ng lungsod ng Taguig na puwedeng tawagan ng mga magulang at mga estudyante.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo kay Department of Education Undersecretary Tonisito Umali, pinayuhan niya ang mga guro kung paano ituro sa mga bata ang mga modules na ibinabahagi ng DepEd.