Upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa, kinakailangan munang paghusayin ang paghahanda at suporta sa mga guro.
Ito ang paniniwala ni DepEd Sec. Sonny Angara batay na rin sa mga naunang direktiba ni Pangulong Marcos Jr na pagsusulong ng mga reporma sa pagsasanay ng mga guro sa bansa.
Sa ilalim ito ng Teacher Education Council na layong matugunan ang matagal nang problema sa sistema ng paghahanda at pagsasanay.
Sa ulat ng TEC noong Agosto 4, inilahad ang mga hamon sa teacher preparation, licensing, at professional development na nakaaapekto sa kalidad ng edukasyon.
Simula ngayong taon, operational na ang TEC secretariat na binubuo ng DepEd, CHED, TESDA, PRC, at NCCA.
Patuloy ang mga hakbang ng DepEd para mapabuti ang kalagayan ng mga mag-aaral at mga guro sa bansa.