-- Advertisements --

Kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang na mga infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nakapaloob sa P60 to P80 billion pondo ang hindi pina release ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa ilalim ng 2025 national budget.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, ito ay mga insertions na infrastructure projects na ginawa ng Kongreso batay sa ibinigay na ulat ng Department of Budget and Managements (DBM). 

Hindi naman masabi ni Castro kung ano ang gagawin sa pondo dahil kaniya pa itong itatanong sa DBM

Ang dahilan ng Pangulo sa hindi pag release sa nasabing pondo ay dahil hindi ito naaayon sa Philippine Development Plan ng Marcos Jr. administration.

Una nang kinumpirma ni Finance Secretary Ralph Recto sa budget briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) nuong Lunes sa Kamara na hindi pina release ng Pangulo ang nasabing pondo ay hindi ito bahagi sa prayoridad ng administrasyon.

Kung maalala bago pa nilagdaan ng Pangulong Marcos ang 2025 GAA nagsagawa muna ito ng review sa budget.

Nuong SONA nagbabala din ito na handa niyang i-veto ang 2026 national budget kung hindi ito naaayon sa 2026 National EXpenditure Program.

Sa ngayon disidido ang Pangulo na tuldukan ang mga anomalya sa mga infrastructure projects lalo na sa mga flood control projects.