-- Advertisements --

Hiniling ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema na ibasura ang motion for reconsideration (MR) na inihain ng House of Representatives.

Ang nasabing MR na inihain ng Kamara ay matapos na ipasawalang bisa ng SC ang articles of impeachment laban sa bise president.

Base sa 27-pahina na komento na itinuturing na lack of merit ang MR na inihain ng House of Representatives.

Sa MR kasi ng Kamara na nagkaroon ng factual errors ang desisyon ng SC kung saan ang pang-apat na impeachment ay kumpleto na kumpara sa naunang tatlong naisampa.

Giit naman ng Bise Presidente na isang tila nagbubulag-bulagan ang Kamara sa desisyon ng mataas na hukuman at malinaw na ito ay diverson lamang.

Magugunitang noong Hulyo ng harangin ng SC ang impeachment trial ng Senado dahil sa paglabag sa probisyon ng paghahain ng mahigit sa isang reklamo sa isang taon.

Noong Pebrero ng inihain ng impeachment kay VP Duterte sa Kamara dahil sa reklamong garft, corruption at assasination plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.