-- Advertisements --

Sinisi ng Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domogoso sa dami ng bumagsak na tubig ulan at pati kontrobersyal na ‘flood control projects’ bilang dahilan sa naranasang muling pagbaha sa Maynila.

Ayon sa naturang kasalukuyang alkalde ng lungsod, ang palpak umano na ‘flood control projects’ ng pamahalaan ang siyang isa sa pangunahing sanhi kung bakit malawakan pagbaha ang nadatnan sa lungsod.

Ito’y bukod pa sa halos walang tigil na biglaang pagbuhos ng malakas na pag-ulan kahapon na siyang hindi rin inasahan ng karamihan nagdulot ng pagbaha.

Kapansin-pansin kasi ang mabilis na pagtaas sa lebel ng tubig sa iba’t ibang mga kalsada, at lansangan sa buong lungsod na siyang nagtulak para ang ilan ay lumusong sa baha.

Aminado si Mayor Isko Moreno na pati mismong City Hall ng Maynila ay hindi nakaligtas sa pagbaha dahil pinasok rin ito ng tubig kasunod ng pag-ulan.

Habang kanya pang ibinahagi na marami din aniya’ng naperwisyo na mga barangay sa lungsod.

Samantala kanyang ibinahagi pa na isa din sa mga kinakaharap na problema ng lungsod ay ang patungkol sa mga pumping station.

Kanyang isinawalat na ang dapat sanang tutulong sa pagpapahupa ng baha ay siyang hindi pa gumagana katulad ng pumping station sa kanyang binanggit na distrito sa Maynila.

Kaya’t aniya’y seryosong pangangailan na ng bansa ang pagkakaron ng maayos na ‘flood control project’ bilang pangmatagalang solusyon sa baha.

Buhat nito, iminumungkahi ngayon ni Manila Mayor Isko Moreno kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na ipaubaya na lamang sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang patungkol sa ‘master plan’ ng flood control projects.

Naniniwala ang naturang alkalde na mas mainam na ang nabanggit na ahensiya ang siyang manguna sa pagpapatupad ng proyekto kaysa Department of Public Works and Highways.