-- Advertisements --

Ilang bahagi ng Metro Manila ang agad nakapagtala ng baha, matapos lamang ang ilang minutong buhos ng ulan.

Sa kabila ng ulat ng DOST na walang umiiral na bagyo o kahit low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng baha ay ang EDSA-Roxas, Tramo cor. Andrews Ave. at Brgy. 183 malapit sa Circulo Del Mundo sa Pasay City.

Habang sa Paranaque City, binaha rin ang Ninoy Aquino Ave. corner V. Medina St. south bound sa Brgy. San Dionisio.

Samantala, sa oras na ito ay humupa na ang mga pagbaha ngunit posible pa rin itong maulit sa mga susunod na oras.