Handang tanggapin ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang kondisyon na ipapatupad ng International Criminal Court (ICC) para sa posibleng interim release.
Ayon kay lead counsel Nicholas Kaufman, na intasan siya ni Duterte na isulong ang lahat ng mga makakaya para sa kaniyang interim release sa kahit na anong mga kondisyon.
Kabilangdito ang paninirahan sa third country, travel restriction at monitoring measures.
Kasalulukuyan kasing pinag-aaralannge ICC Pre-Trial Chamber ang hiling ng defense team.
Dagdag pa ni Kaufman na hindi kinontra ng gobyerno ng Pilipinas ang nasabing hirit nila.
Una ng inaasahan ng chamber na isasagawa ang confirmation of charges hearing sa Nobyembre 2025 subalit dahil sa na-postpone indefinitely ay kanilang tinitignan ngayon kung may halaga pa ba na makulong ang dating pangulo.
Magugunitang ibinunyag ni Vice President Sara Duterte na mayroong bansa ang handang kumupkop sa ama sakaling maaprubahan ang interim release.