Lebron James Lakers

Muli na namang nagposte nang panibagong record sa kanyang career si LeBron James matapos ang panalo ng Los Angeles Lakers laban sa Dallas Maverick, 108-95.

Sa first quarter pa lamang habang may natitirang mahigit apat na minuto, naitala na ni Lebron ang kanyang ika-9,000 na assists.

Dahil dito siya ang ika-siyam na player sa NBA history na umabot sa naturang record.

Nitong lamang na linggo ay itinanghal din si James bilang Associated Press Male Athlete of the Decade.

Ang naturang milestones sa career ni LeBron ay mistula ring regalo lalo na at bukas ay ang kanyang birthday celebrations na eksaktong 35-anyos na.

Sa pagtatapos ng game laban sa Mavs (21-11) nagpakita si James ng 13 points at 13 assists upang irehistro ng Lakers ang best record na ika-26 na panalo ngayong season.

Todo papuri naman si Lakers head coach Frank Vogel sa pagsisikap ni LeBron at tinawag niyang “outstanding performance” lalo na sa pagiging agresibo nito upang tulungan sa diskarte ang kanilang koponan.