Muli na namang bumida si LeBron James sa kanilang ika-13 panalo nang manaig laban sa Sacramento Kings, 101-95.

Halos triple double performance ang ipinakita ni James na merong 32 points, 11 rebounds at nine assists upang ipatikim sa Kings ang ika-17 pagkatalo.

Si James din ang nagbaon sa Sacramento matapos na maibuslo niya ang 3-pointer kahit may 15 seconds na lang ang nalalabi sa game.

Napansin pa na tatlong beses ding nagpalit ng kanyang sneakers si LeBron sa kabuuan ng kanilang laro.

Ibinuhos na ng lahat ng Kings ang kanilang alas pero bigo silang mapigilan ang swerteng si James na nagtapos sa 12 of 18 at meron pang limang 3-pointers.

Dahil sa panibagong panalo ng koponan napantayan na ng Cavaliers ang franchise record na 13th straight wins noon.

Sa panig ng Sacramento nanguna naman si Zach Randolph na may kabuuang 18 points at 10 rebounds habang si Buddy Hield ay nagdagdag ng 17.