Kumambiyo si NBA star LeBron James sa naunang pahayag nito na hindi ito maglalaro kapag walang audience na manonood dahil sa banta ng coronavirus o COVID-19.

Ayon sa Los Angeles Lakers star na ang unang naging pahayag ay wala pa siyang idea na magpapatupad ang NBA ng audience-less games.

Dagdag pa nito na para na rin sa kaligtasan ng lahat ay mas magandang wala munang audience na manonood.

Hindi lamang ang mga audience ang makikinabang at maging ang mga manlalaro at liga.