Inanunsiyo ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas ang plano ng kanilang Navy na magtayo ng boat maintenance facility sa Palawan.
Ayon sa embahada, sinimulan na ng US Naval Facilities Engineering Systems Command ang public solicitation para sa desinyo at konstruksiyon ng bagong pasilidad na ipapatayo sa Naval Detachment Oyster Bay.
Sinabi ng US embassy na sa naturang pasilidad isasagawa ang pagkumpuni at pagmementena sa maliliit na military vessels ng Pilipinas at pagtatayo ng dalawang multi-purpose interior rooms na angkop bilang imbakan ng mga kagamitan o conference.
Nilinaw naman ng embahada na hindi ito gagamitin bilang base militar.
May go signal din aniya dito ang gobyerno ng Pilipinas salig sa lahat ng kaukulang panuntunan at regulasyon sa pagitan ng dalawang bansa.