Muling nag-landfall sa ikapitong beses ang bagyong Verbena.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) pasado alas-10 nitong gabi ng Martes ng mag-landfall muli ang bagyo sa Linapacan, Palawan.
Sa datos ng PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa may karagatan ng Linapacan, Palawan.
Mayroong taglay ito ng lakas na hangin na aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 105 kph.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone typhoon signal number 2 sa mga lugar ng Calamian Islands ; El Nido, Taytay, Araceli sa Palawan.
Habang nasa signal number 1 naman ang mga lugar ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro; Santa Fe, Ferrol, Looc, San Jose sa Romblon; Dumaran, Roxas, San Vicente, Puerto Princesa City sa Palawan kasama na ang Cuyo Island, Cagayancillo Islands; Antique ;Malay, Buruanga, Nabas sa Aklan.
Inaasahan na tatahakin ng bagyo ang West Philippine Sea bukas ng umaga , Nobyembre 26 at dadaan sa Kalayaan Islands bago lalabas sa Philippine Area of Responsibility sa umaga ng Nobyembre 27.















