Patuloy na tinatahak ng Tropical Depression “Verbena” ang karagatang sakop ng Cuyo Island sa Palawan ngayong araw.
Batay sa lahat ng nakalap na datos, kabilang ang Iloilo Doppler Weather Radar, ang sentro ng bagyo ay nasa coastal waters ng Cuyo, Palawan.
May taglay itong maximum sustained winds na 55 km/h malapit sa sentro, pagbugso hanggang 70 km/h.
Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 25 km/h.
Nakataas ang Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Luzon: Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, timog na bahagi ng Romblon (Santa Fe, Ferrol, Looc, San Jose), at hilaga at gitnang bahagi ng Palawan (Araceli, Taytay, El Nido, Dumaran, Roxas, San Vicente, Puerto Princesa City), kabilang ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands.
Sa Visayas, nakataas din ang Signal No. 1 sa Antique at hilagang-kanlurang bahagi ng Aklan (Malay, Buruanga, Nabas).
Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na mag-ingat sa posibleng epekto ng malakas na hangin, ulan, at pagtaas ng alon habang patuloy na kumikilos ang bagyo.















