Bumandera ang pangalan nina LeBron James, Kawhi Leonard at James Harden sa 44 finalist para sa 12 player ng USA Basketball team na sasabak sa 2020 Olympic sa Tokyo.

Sa ginawang anunsiyo ng USA Basketball na siyam na miyembro ay mula sa mga sumabak na noong 2016 Olympics habang pito naman ang mula sa 2012 team kung saan nakakuha ng gold medal ang mga ito.

Isasapinal naman ang listahan sa mga susunod na buwan kung saan magsisimula gn Tokyo Olympics mula Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Sinabi naman ni USA Basketball managing director Jerry Colangelo, na maraming mga NBA players ang sabik na makasali at makapaglaro sa Olympic games.