Isang malaking hamon ngayon para sa San Miguel Beermen matapos na magtamo ng injury si Marcio Lassiter.

Na-fractured kasi ang ilong nito sa ginanap na tune up game laban sa Rain or Shine noong nakaraang linggo.

Posibleng matagalan pa ito bago makapaglaro sa pagsisimula ng bagong season ng PBA sa susunod na buwan.

Magugunitang nagtamo ng rin ng injury si Beermen Most Valuable Player June Mar Fajardo at matatagalan pa ito bago makapaglaro.