KALIBO, Aklan – Kulungan ang kinahinatnan ng isang lalaki matapos umanong hipuan ang isang menor de edad sa labas ng isang drug store sa Roxas Avenue, Kalibo, Aklan.

Kinilala ang suspek na si Jesus Ibesate, 47, residente ng Barangay Bakhaw Sur, Kalibo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo Police Station, papalabas na umano ng naturang drug store ang teenager ng bigla na lamang dakmain ng suspek ang maselang parte ng katawan nito.

Nagsumbong ang dalagita sa kanyang magulang kaya’t kinumpronta nito ang lalaki at kaagad itong nadakip.

Itinanggi ni Ibesate na hinipuan niya ang dalagita.

-- Advertisement --

Napag-alaman na may diperensiya sa pag-iisip ang suspek at nasa ilalim pa ng impluwensiya ng alak.

Nakakulong ngayon si Ibesate sa Kalibo Police Station at nahaharap sa reklamong acts of lasciviousness.

Samantala, hindi naman makausap ang batang biktima dahil sa trauma.