CAUAYAN CIKTY – Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan sa Cauayan City ang isang lalaking tinuklaw ng ahas sa San ,Mariano, Isabela.

Idineklara ng attending physician na dead on arrival sa pagamutan ang biktimang si Warlito, Macahilig 23 anyos, residente ng Cadsalan , San Mariano, Isabela.

Nasa maisan ang biktima nang matuklaw ng makamandag na ahas.

Nang tumugon ang mga kasapi ng rescue 922 ay nadatnang wala nang malay ang biktima na kaagad dinala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.