Patuloy ang ginagawang paghahanda ni Pangulong Ferdinand Marcos jr ang kaniyang magiging state of the nation address (SONA).
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na mismong si Pangulong Marcos ang nag aaral at namimili kung ano anong mga paksa, programa at accomplishments ang ilalahad sa kaniyang SONA.
Sinabi ni Castro tulad ng nakaraang mga sona na kasama ang pagbabasa ng pangulo sa ilang letter senders para sa mga programa ng pamahalaan na nais nilang mapakinabangan o kaya ay mga patotoo sa mga nakukuhang benepisyo mula sa gobyerno, may ganitong parte rin aniya ang magiging sona ng pangulo.
Kaugnay nito, sinabi ng presidential communications office na si sofronio vasquez ang napili para sa pambansang awit ng pilipinas sa araw ng sona sa July 28.
Si Vasquez ay ang nagwagi sa The Voice USA Season 26 na nagtanghal din sa harap mismo ni pangulong marcos at first lady liza marcos sa malakanyang noong isang taon.